A life without God is like a ship without compass.
Source: diskartengmarino

Anak, huwag kang tatawid diyan, delikado.
Anak, huwag mong galawin yan.
Anak, huwag matigas ang ulo.
Sa loob ng maraming taon, andyan ang magulang natin na gumagabay habang tayo’y tumatanda. Andyan yung payo na kailangan nating mag aral mabuti kasi darating yung panahon na ito yung kakailanganin natin sa takdang oras.
Minsan nga naiisip mo na pinagagalitan na naman nila tayo, lagi kang nasesermunan tuwing late kang umuuwi, o kung anu ano pa. Minsan sumasama nga yung loob natin sa tuwing napapagsabihan tayo. Naranasan mong umiyak sa tuwing napapagalitan ka. At kung lalaki kang katulad ko (at matigas ang ulo), naranasan ko ding madaanan ang puwit kong naranasan ang mga palo. Worth it padin. Marami akong natutunan.
Kahit ganun marerealize mo sa dulo na lahat pala ng pinayo nila sa atin, yung mga mahahabang sermon ay siyang makakatulong sa atin sa ating pag tanda. Ang galing lang e, dun mo maappreciate ng lahat ng mga pinayo nila. Tapos masasabi mo nalang sa kanila. “Ma, Pa.. Salamat.”
Source: diskartengmarino
Sa simpleng pag uusap niyo nabubuo ang samahan kung saan dun tayo nagkakaroon ng mga matatalik na kaibigan. ang ganda lang nun e, maiisip mo na kahit magkakaiba man tayo ng mga ugali e nakukuha padin nating maging malalapit sa isa’t isa. Kaso di rin natin maiiwasan na magtalo paminsan minsan, yung iba lumalala pero mas maganda kung maagapan ng barkada.
Maguusap at magkakaayos ulit. Ganun lang naman yun e. Basta’t matuto tayong magpakumbaba sa lahat ng oras. Pangit kasi kung sa pagkakaibigan palang e napapractice na agad yung pride, E paano nalang pag pumasok ka na sa relasyon diba?
Go back to basic. Huwag mong hayaang makatapak ka ng tao kung ayaw mong matapakan ka din nila. Matuto kang makisama ng sa gayon e matuto din silang irespeto ka.
Source: diskartengmarino
Naisipan mong manlimos ngunit hindi ka napapansin ng mga taong naglalakad sa paligid mo, patuloy lang silang naglalakad at animo’y isa kang aninong kanilang tinatapaktapan.
Nararamdaman mo ang kulo ng iyong tiyan, ngunit mas pansin ang lungkot sa iyong matang lubos na nahihirapan. Iniisip mo kung ano pa bang saysay mo sa mundo, hindi mo na alam kung ano pa nga bang dapat gawin mo. Ipinikit mo ang mga mata mo at unti unting tumulo ang iyong mga luha sa naramdaman mong kabiguan.
Darating din ang bukas, darating din ang araw na mawawala na ang iyong pangamba. Nasa kamay at paa mo ang kasagutan. Sa bawat taong napadpad dito sa mundo ang lahat nakamtan nila ang pagkakaroon ng pag asa sa buhay.
Huwag kang titigil, huwag kang mapapagod hanapin ang kasiyahan mo bilang isang tao.

Source: diskartengmarino
